Thursday, November 29, 2012

Ebidensiya

Mahal ko si Beth. Gusto kong magkabalikan kami. Sinusundan ko siya parati, naghahanap ng pagkakataong makausap siya. Kaso malabo na yata. Mukhang may bago na siya. Nagtanong-tanong ako, Jake daw ang pangalan.

May hitsura si Jake. Matangkad, pormang basketball player. Matangos ang ilong, makinis ang balat, maganda ang ngipin, kulot ang buhok... Gusto ni Beth yung mga pretty boy na ganyan. Yun din ang dahilan kung bakit nagustuhan niya ako. Sa isang banda, pareho kami ng porma ni Jake.

Tinutukso ako ng mga kaopisina ko. Stalker daw ako. Di ko sila pinansin. Ang mahalaga, mahalin ulit ako ni Beth. Ipapangako ko sa kanyang hindi na ako uulit, hindi na ako titingin sa ibang babae. Siya lang talaga ang nag-iisang babae sa buhay ko.

Sa kaka-imbestiga ko, nakakalap ako ng mahalagang impormasyon na ikakasira ni Jake. May nakakita sa club na may kahalikan daw siyang kapwa lalaki. Bakla pala ang loko! Tignan natin kung anong sasabihin ni Beth tungkol diyan.

Naghanap ako ng pagkakataong ikuwento kay Beth ang nabalitaan ko. Sinundan ko siya sa park. Dun sila nagtagpo ni Jake. Mukhang seryoso ang usapan nila. Tapos hinalikan ni Beth si Jake, saka sila naghiwalay. Ano kayang pinag-usapan nila?

Dinukot ko ang cellphone para tawagan si Beth. Kaso nagdalawang-isip ako. Paano kung isipin ni Beth na sinisiraan ko lang si Jake? Ang labas ko tuloy di lang seloso, kundi malisyoso pa. Paano kung di pala totoo ang tsismis? Lalo pang magiging malabo ang sitwasyon ko. Kailangan ko muna ng ebidensiya.

Naisipan kong sundan si Jake. Kung may tatagpuin ‘tong lalaki, kukunan ko agad ng litrato sa cellphone ko. Kaso, ilang oras na wala pa rin. Nag-iba ako ng tactic. Makikipagkilala ako sa kanya, baka mas may mapulot pa ako. Humanap ako ng tiyempo.

“Pare, puwedeng maki-share ng table? Punuan na kasi e,” sabi ko sa kanya nung nakita ko siyang nagkakape sa isang coffeeshop. Nagtetext siya sa cell niya.

“Sure,” sagot niya. Balik lang siya sa pagtetext.

“Astig yang phone mo ah. Yan ba yung bagong iPhone?” tanong ko.

“Oo, bagong kuha ko. Di ko pa alam gamitin e.”

“Madali lang yan. Gusto mo turuan kita?”

“Oo ba. Paano ba ‘to...”

Dahil magaling ako sa mga gadgets, tinuruan ko siya ng basics ng iPhone. Gaano man ang asar ko sa kanya, hindi ko pinapahalata. Kung puwede nga lang, binugbog ko na ‘to kanina pa.

“Salamat, pare,” sabi ni Jake. “Treat kita. Gusto mo pa ng kape?”

“Di na, pare, enough na ‘tong kape ko, baka di na ako makatulog kung dadagdagan ko pa,” sagot ko. “Ako nga pala si Diego.”

“Jake.”

“Kanina ka pa dito ah. May hinihintay ka?” tanong ko, baka sakaling tatagpuin niya ang boyfriend niya.

“Wala. Pauwi na ako pagkatapos nito.”

“Saan ka?”

“Sa Scout Area.”

“Tamang-tama sa may Frisco lang ako. Sabay ka na sa taxi ko.” Nagsinungaling ako, di naman ako taga-Frisco. Gusto ko lang malaman kung saan ito nakatira, para lalo kong matiktikan.

Pumayag siya sa offer ko. Pumara kami ng taxi. Ang plano, ihahatid ko muna siya bago ako umuwi. Kaso nagbago ang lahat nung niyaya niya akong mag-beer sa bahay niya. Umoo naman ako. Mabuti na ‘to, baka may mapulot akong ebidensiya sa loob ng bahay niya.

Naisip ko, siguro pink ang pintura ng bahay niya, bulaklakin ang mga kurtina, at may mga poster ng mga hubad na lalaki sa kuwarto niya. Siguro naman sapat na yon para mabuko ko siya. Kaso, pagdating namin sa bahay niya, wala ni isa sa mga naiisip ko ang naging totoo. Sa katunayan nga, machong-macho pa nga ang dating ng tirahan niya. Grey ang mga dingding, yung mga gamit niya nakakalat lang, walang mga picture ng lalaki...

Nanood kami ng basketball sa TV habang nagbi-beer. Nung matapos ang game, lalo pa kaming nagkuwentuhan. Kanina ko pa pinapansin ang mga kilos niya. Wala naman siyang pilantik. Pati kung magsalita, astig ang dating. Mali yata ang mga tsismis.

Di ko maintindihan ang sarili ko. Kanina, bad trip ako dito kay Jake. Ngayong lalo ko siyang nakikilala, naisip kong cool pala ‘to. Pareho kaming mahilig sa sports at sa mga race cars. Magaan ang loob ko sa kanya. Pa-inom-inom habang nagrerelax sa sopa, akala mo ilang taon na kaming magkaibigan.

Pero kahit matagal na kaming nag-uusap wala siyang binabanggit tungkol kay Beth o ano mang bagay na may kinalaman sa mga karelasyon niya. Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong magtanong.

“Pare, yung misis mo nga pala?”

“Single pa,” sagot niya, “may dine-date lang ako ngayon.”

“Talaga? Anong pangalan?” pagmaang-maangan ko.

“Beth... pero huwag na nating pag-usapan yon.”

Ano kayang problema? Siguro nalaman na ni Beth ang tinatago nito kaya lumabo ang diskarte niya. Mas OK! Pero kailangan ko pang kunin yung ipinunta ko dito, yung ebidensiya. Inisip ko kung paano ko ihihirit ito. 

“Pare, alam mo, may katrabaho ako. Kailan lang, umamin na bakla siya. Nagulat kaming lahat kasi di halata sa kanya,” pag-imbento ko ng kuwento.

“Uhuh... anong problema dun?” tanong niya.

Di ko alam ang isasagot ko. Tinamaan ba siya? Na-offend ba? 

“Wala,” pagsalo ko, “nabigla lang kami... Ikaw sa tingin mo, OK lang yon?”

“Bakit hindi, basta cool lang sa inyong pareho, walang kaso kung lalaki sa babae, babae sa babae o... lalaki sa lalaki,” sabi niya habang nakatitig ng diretso sa akin. Parang di ako mapalagay, may nararamdaman akong di ko maintindihan.

“Ikaw?” dagdag niya.

Di ko alam ang susunod kong sasabihin. Napako lang ang mga mata ko sa kanya. Tinitigan niya ako. Nagpakiramdaman kami. Maya-maya, walang sabi-sabi, lumapit siya sa akin...

“Pare, anong ginagawa mo? Di tayo talo...” pag-angal ko pero sa isang banda sa loob ko, parang gusto ko rin 'to.

Di siya nagsalita, natigil ang pagtanggi ko nung lumapat ang labi niya sa labi ko. Sa gulat ko, bumitaw ako. Di siya sumuko, tuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin. Lumapit siya ulit at hinalikan ako. Di na ako lumaban. Sa katunayan, ginantihan ko ang mga halik niya. Gusto ko na ito.

Di nagtagal, hinubad niya ang T-shirt niya. Tapos tinulungan din niya akong maghubad ng akin. Tuloy ang halikan. Sinasamahan na namin ng mga mahihigpit na yakap. Sa gitna ng halikan namin, hinihimas-himas na niya ang harapan ko. Nararamdaman na siguro niyang tinitigasan na ako. Hinila niya pababa ang zipper at pinasok niya ang kamay niya sa brip ko. Agad niyang binate ang titi ko. Di pa rin kami nagbibitawan ng halik.

Ilang minuto din kami sa ganung posisyon. Naging impulse kong hilahin pababa ang pantalon ko. Tinulungan niya ako. Lumabas ang titi ko, todo tigas na.

Tumayo siya sa harap ko, nagmamadaling naghubo. Matigas na rin ang kanya. Di na bago sa akin ang makakita ng titi ng iba. Dahil madalas akong magbasketball, karaniwan nang magkakitaan kami sa locker room. Pero iba ang titi niya, makinis, malaki at mahaba. Namangha ako.

Pinahiga niya ako sa sopa. Pumatong siya sa akin. Tuloy ang halikan. Ngayon sinasabayan na namin ng pagkaskas ng katawan namin sa isa’t isa. Minsan, nagbe-break kami sa halikan para lalong diinan ang kaskasan.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang balbas niya. Nakakakiliti, pero masarap siyang humalik. Dinilaan din niya ang mga utong ko. Tapos sinupsop pa niya ang mga ito. Ang sarap! Umakyat siya sa kanang kilikili ko’t naglaro ang dila niya dito. Halos himatayin ako sa kiliti pero kakaibang high ang nararamdaman ko. Tapos lumipat naman siya sa kaliwang kilikili. Grabe!

Hinila ko ang ulo niya pataas at naghalikan ulit kami. Bumaba din ako sa leeg niya. Umangat pa siya para maabot ng dila ko ang kanang utong niya. Pinisil ko ito't sinuspsop na parang baby, gaya ng ginawa niya kanina sa akin. Tapos lipat ako sa kabilang utong.

Di nagtagal, tumayo siya mula sa pagkakapatong sa akin. Hinila niya ako para makaupo ako. Pumuwesto siya sa gitna ng mga hita ko, saka niya tsinupa ang titi ko. Naranasan ko nang matsupa ng babae, pero iba itong si Jake. Ang galing!

Nagtaas-baba siya sa titi ko hanggang naramdaman kong lalabasan na ako.

“Pare, ayan na ako,” sabi ko.

Bumitaw siya sa pagtsupa at saka niya binate ang titi ko. Tumalsik ang tamud ko sa sahig. Parang ang dami kong nailabas. 

Nung nakaraos na ako, umupo siya sa tabi ko't siya naman ang nagbate. Hinalikan ko siya habang ginagawa niya ito. Hinaplos-haplos ko rin ang dibdib, tiyan at hita niya. Maya-maya pa, humiyaw siya. Pumutok din! Nagkalat ang tamud niya sa sahig, humalo sa lawa ng tamud ko. May konting naglanding sa tuhod ko. Humilata siya sa sopa, hinihingal.

Nung makabawi na siya ng lakas, tumayo siya.

“Kuha lang ako ng pampunas sa sahig,” sabi niya.

Tumango ako pero parang blangko ang utak ko. Ano ang nangyari ngayon lang? Di ko dapat ginawa yon. Pero bakit nagustuhan ko? Nakalimutan ko na kung bakit ako nasa bahay na yon. Naglakad-lakad ako sa kuwarto para mag-isip, hubo’t hubad pa rin. 

Napunta ako sa work desk niya. Naroon ang computer niya, naka-on. Di ko ito napansin mula nung dumating ako sa bahay na 'to. Nung ginalaw ko ang mouse, tumambad ang facebook page ni Beth. Ang profile picture, yung magkayakap kami ni Beth. Natulala ako. Di ko napansin na nasa likod ko si Jake.

“Diego...” narinig ko ang boses niya.

“Alam mo?” tanong ko pag harap ko sa kanya. May halong hiya ang boses ko dahil nabuko ako at may halong galit dahil wala siyang sinabi tungkol dito.

“Oo, nung una ka pa lang na lumapit sa akin, alam ko na. At sa tingin ko, alam ko na rin kung bakit...”

“Ngayon napatunayan ko na!”

“Anong plano mo?” 

“Sabihin sa kanya!” 

“Walang kaso yon. Wala naman akong planong itago sa kanya. Atsaka, hindi na naman kami magkikita ulit e.”

“Ano?”

“Kanina lang, sa park, sinabi niya sa akin na break na kami. Narealize kasi niyang mahal pa rin niya ang ex niya. Gusto niyang makipagbalikan...”

Natigilan ako. Matapos ang lahat ng mga nangyari ngayong gabi? Hinanap ko ang mga damit ko. Gulo ang isip ko habang nagbibihis. Si Jake man, nagsuot na rin ng shorts. Tahimik lang kami pareho, di alam ang sasabihin. Binuksan ko ang pinto para lumabas.

“Congrats, pare. Ingatan mo si Beth,” pahabol niya.

Natigilan ako. Humarap ako sa kanya, naguguluhan. Naroon lang siya, nakatayo sa gitna ng kuwarto. Hinihintay kung anong sasabihin ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya’t yinakap ko siya ng mahigpit at saka hinalikan. Parang ayaw ko siyang bitiwan. Siya na ang bumitiw. Hinawakan niya ang pisngi ko’t tumingin sa akin ng diretso. 

“Puntahan mo na siya," sabi niya.

Tumalikod ako’t mabagal na humakbang papunta ng pintuan. Pagkasara ko ng pinto, di ko napigilan ang lumuha. 

No comments:

Post a Comment